Masarap alalahanin ang UP days...ang saya...
1. ANO’NG STUDENT NUMBER MO? 2000-54233 (I remember my brother told me when I got my student number "Tandaan mo na yang number na yan..yan na ang number mo for life...")
2. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE? Developmental Communication in LB...sa Diliman Journalism...
3. SECOND CHOICE?- ComArts... ended up in Veterinary Medicine at UPLB (just like Maria)
4. ANO COURSE MO NA NATAPOS?- BS. Nursing...had to shift dahil baka dun na ko tumanda...
5. NAG-SHIFT KA BA?- Yep
6. CHINITO/CHINITA KA BA?- nope! (kapag puyat ...oo..hehe)
7. NAKAPAG-DORM KA BA?- yep... sa loob ng St. Therese...:) pero after 2 years nag-apartment na ko...kasi nahirapan ako sa curfew na 10pm...
8. NAKA-4 KA BA? oh yes...not too proud of it pero ganon talaga e...:) removals na ito!
9. NAG-KA 3 KA NA BA?- madami din...pero masaya na ko dito kesa naman sa 5...sobrang saya na ko esp sa Vet subjects na pinagpupuyatan ko talaga...:)
10. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?- yup...pero may times na tawag ng kalusugan, kapatiran at katamadan...hehe ;p
11. MAY SCHOLARSHIP KA BA? wala...ang tingin ko sa may scholarship ng UP noon e henyo na tlaga...:)
12. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO?- All of it plus some more electives na di ko nagamit when I shifted.
13. NANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE?- oo naman...libre naman mangarap...pero hanggang dun lang un..hehe
14. FAVE PROF- Ma'am Boncocan ng History II at PI 100...
15. WORST TEACHER- Bahala na si Lord sa kanya...:) napatawad ko na sya matagal na...haha
16. FAVE SUBJECT/S: Lahat ng Comm subjects and Humanities
17. WORST SUBJECT: Stat...ewan ko hindi kasi ko nakikinig sa teacher at inaantok ako lagi kaya di ko nagustuhan ang subject na to...Mataas din ang mortality rate nito
18. FAVE BUILDING: S.U. building...tambayan namin sa soro ito dati...
19. PABORITONG KAINAN: madami e...Selina's, Batcave, Micha's (pero nagclose to after my first year in UP...sayang masarap pa naman)
20. MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP? 3.50 :) nung umalis ako 6 na...
21. LAGI KA BA SA LIBRARY?- Nung sa LB? Not really, di nga ako marunong gumamit ng library noon e. Malayo kasi ang main lib kaya nakakatamad umakyat. sa Lib sa college namin oo...masarap matulog dun. :) pero naranasan ko na gumising ng sobrang aga..para makipagunahan sa linya para humiram ng libro ng Micro...pagdating ko don madami na sila nauna...talagang takbuhan at brasuhan ang nangyari dun...:) nakahiram naman ako...hehe...
22. NAGPUPUNTA KA BA SA CLINIC? Infirmary ang tawag...oo kasi nagaassist kami sa freshmen kapag reg...at dati tanda ko pa aksidente akong naka-apak ng pako...magisa kong umakyat ng infirmary, walang ligo (bawal kasi ma-late sa appointment e na-late ako ng gising), 6am ng umaga, puyat na puyat. Tanda ko amuyong ako at master ko ang doctor na mag-debride ng sugat ko. First time ko humiga sa operating table. Wala man lang ako kasama kahit sino. Naiiyak ako non pero sabi ng doctor na master ko wag ako iiyak..Grabe ang feeling ko non...pero ok din naman dahil libre ang procedure na ginawa sa kin...Nung naging sis ako...mahal na mahal ko ang sis ko na yun. di ko un makakalimutan talaga.
23. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS? meron din...pero ewan ko nung na-meet ko ang boyfriend ko non hindi na ko tumingin pa sa iba...true love talaga...wala ng pogi sa kin non..hehe
24. ANU-ANO ANG MGA NAGING P.E. MO? PE1, bridge, aerobic dancing, aqua aerobics
25. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO? Masaya naman ang block namin...kasi lahat makulit pero sobrang gagaling...mga kala mo di nagaaral pero nagtop sa exam...:) Bloc 74...mga pasaway...pero ngayon karamihan e mga veterinarian na...
26. MEMORIZE MO BA ANG HYMN NIYO? oo...feel ko kasi ang song na un...
U.P. naming mahal
Pamantasang hirang
Ang tinig namin
Sana'y iyong dinggin
Malayong lupain
Amin mang marating
Di rin magbabago ang damdamin
Di rin magbabago ang damdamin
Pamantasang hirang
Ang tinig namin
Sana'y iyong dinggin
Malayong lupain
Amin mang marating
Di rin magbabago ang damdamin
Di rin magbabago ang damdamin
Luntian at pula
Sagisag magpakailanman
Ating ipagdiwang
Bulwagan ng dangal
Humayo't itanghal
Giting at tapang
Mabuhay ang pag-asa ng bayan
Mabuhay ang pag-asa ng bayan.
Sagisag magpakailanman
Ating ipagdiwang
Bulwagan ng dangal
Humayo't itanghal
Giting at tapang
Mabuhay ang pag-asa ng bayan
Mabuhay ang pag-asa ng bayan.
27. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM? nope...
28. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM? yup! exams ko kay Doc Neri, Swine Production saka Comp I...
29. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?- Nope, high school ako namulat sa beer...pero dito ako unang hindi nakauwi sa kalasingan...at dito ako una uminom ng lahat ng klase ng alcohol sa isang gabi...lugar na hindi makauwi...:)
30. DITO KA BA UNANG NA-IN LOVE?
Kung true love, oo...Dito ko nakilala ang kaisa-isang lalaki na minahal ko ng sobra...kasama ko pa din sya hanggang ngayon...7 years na...
2 comments:
hi, monette,
blogmate na rin tayo, ha?
suerte naman ni love mo....
had a great time with you all can't wait for our next trip....
tita p
sure tita! :) hope to see you and tito ed again...:)
Post a Comment