Thursday, September 27, 2007

Crazy thoughts: At Gunpoint

Let me share a story...

Meet Nurse Joe Black...

Isang malamig na gabi, naatasang maglagay ng swero (IV line) si Nurse Joe Black. BIhasa naman siya sa ganitong procedure kaya tinanggap din niya ang trabaho. Sa kasamaang palad, pumutok ang ugat na kanya sanang gagamitin para sa pagswero...in medical term e nag-bulge ito. Kung maririnig ito ng mga taong hindi pamilyar sa terminong ito, grabe syempre ito. Pero kahit sino atang nakagawa na nito, nurse o doctor man, masasabi na normal naman ito at nangyayari talagang nagba-bulge ang mga ugat.

Sa pangyayaring ito, ang asawa ng pasyente na pulis pala ay nagalit at bigla na lamang hinawakan si Nurse Joe Black sa leeg na animoy sasakalin at tinutukan nito sa ulo ng baril. Parang hostage taking ang eksena, ganon. Si Nurse Joe Black na nabigla sa pangyayari ay walang nagawa. Ikaw ba naman ang tutukan ng kinasang .45 ewan ko naman kung iimik ka pa. Lumabas sa Nurse Black at sinabi sa mga kasama nya. May mga doctor doon na nagsabing maghabla, ipa-blotter at ireport agad sa may-ari ng hospital na doctor mismo ng pasyente. Nagawa ang 3 bagay na sinabi ng mga doctor...Maliban sa hindi inaasahang reaksyon ng may-ari ng hospital. Imbes na ipaliwanag ng maayos sa pasyente at sa hamit nitong asawang pulis na nangyayari talaga ang mga ganoong insidente at magalit na din sapagkat unang una ay bawal ang baril sa hospital at sana'y bigyan ng konting proteksyon ang na-traumang si Nurse Joe Black ay lalo pa nitong idiniin ang nurse. Mayabang daw kasi ang nurse kaya tinutukan ng baril. Hindi man lamang nasabihan ng doctor na bawal ang ganoong mga deadly weapon sa hospital. Ang nangyari ay kasalanan pa ni Nurse Joe Black kung bakit siya tinutukan ng baril.

Sa pangyayaring ito, sino ang mali? Ano ang tamang gawin? Tama ba ang May-ari ng hospital at doctor din ng pasyente na kampihan ang pulis? Hindi ba tinuturuan ng ethics ang mga pulis natin ngayon na gamitin sa tama ang kanilang posisyon? Tama ba ang ginawa ng OA na pulis sa panunutok kay Nurse Black?

Gusto ko lang malaman ang mga reaksyon ninyo...:)

1 comment:

antuken said...

nakwento na saken ng mudra mo ito kagabi. di ko naman akalain na ganun pala ang pangyayari. tama lang na naghabla si nurse joe black. ngunit, hindi mo rin siguro masisi si pulis (although, really, there is no excuse for what he did). natakot siguro ito sa nangyari sa misis nya. eh by nature, ang mga pulis pa naman maaangas.ang tanong, pano sya nakapagpasok ng baril? hindi ba dapat may security check sa pinto pa lamang ng ospital?

ngunit,may mali rin si bossing. ang iniisip nya siguro, customer ito. dapat i-pacify.